X: hey!
Y: yes?
X: anong ginagawa mo?
Y: kinakausap ka kahit parang hindi dapat. ikaw?
X: minamahal ka.
Y: ahh. nakikipaglaro ka pala.
X: hindi kaya. bakit ka biglang nawala last time?
Y: black out. bakit? na-miss mo 'ko?
X: araw-araw.
Y: kelan natapos yung araw-araw? nung nakilala mo sya?
X: hindi. dun ko sinubukang tapusin.
Y: konti na lang, makikipaglaro na ko.
X: seryoso ako.
Y: seriously, dapat maging masaya ka na sa kanya. :)
X: yan ba ang paraan mo ng pagsasabi na ayaw mo na?
Y: may mga bagay kasi na gustong sabihin pero hindi dapat.
X: bakit?
Y: kasi hindi tama.
X: nasubukan mo na ba?
Y: bakit ko pa susubukan kung wala namang patutunguhan?
X: dahil bibigyan kita ng maraming dahilan.
Y: paano sya?
X: mahal kita.
Y: mahal ka nya.
X: hindi naman kami. kaya ko pang itigil yun. i'm sure maiitindihan nya.
Y: at kung hindi?
X: hindi pwedeng hindi.
Y: sa susunod na makachat kita, itatanong ko ulit "paano sya?"
X: bakit sa susunod pa? kaya ko naman gawin yun ngayon na.
Y: maraming pwedeng magbago sa loob ng isang araw.
X: sa susunod na makachat kita, sasagot ako sayo ng "wala na sya."
ikaw at ako lang. at sa pagkikita natin ulit, sasabihin kong..
*Y is offline.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment